Aklan News
Selebrasyon ng semana santa sa aklan ngayong taon, ‘generally peaceful’ –APPO


“Ginakalipay naton nga ibalita nga aton nga naging security coverage it aton ngara nga Holy Week Celebration makaron nga dag-on hay makabig naton nga successful ag Generally Peaceful.”
Masaya itong ibinalita sa publiko ni Chief Public Information Officer PCapt. Aubrey Ayon ng Aklan Police Provincial Office sa isinagawang panayam ng radyo todo ngayong Lunes, Abril 21.
Sinabi ni PCapt. Ayon na walang mga naganap na maituturing na major incident sa kasagsagan ng Holy Week.
Bagama’t hindi aniya naiwasan ang ilang mga insidente gaya ng stabbing incident na naganap sa Malay at Tangalan gayundin ang mga aksidente sa kalsada na naganap sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan ay hindi naman ito tuluyang nakaapekto sa nasabing selebrasyon.
Aniya pa, nakatulong din umano ang mga itinalaga nilang personnel sa gilid ng kalsada dahil naging daan ito para sa mabilis na paghinge ng tulong ng mga residente at agad nahuli ang suspek sa pananaksak sa Tangalan.
Samantala, may isa ring nai-record na pagkalunod-pata*y sa bayan ng Ibajay.
Dagdag pa nito, sa kabila ng maraming siksikan sa mga pampublikong lugar ay wala namang naiulat na insidente ng nakawan, salisi at iba pa.
Kauganay nito, patuloy parin ang isinasagawang “LIGTAS SUMVAC” operation ng mga kapulisan para sa kaligtasan at siguridad ng mga Aklanon at iba pang bisita sa pagpapatuloy ng summer season gayundin ang paghahanda para sa nalalapit na National and Local Election 2025. l Ulat ni Rhealyn Ortega
Continue Reading