Aklan News
Self-supporting student sa ASU naka-ICU matapos mabangga ng traysikel
Kasalukuyang naka-ICU sa Aklan Provincial hospital ang isang self-supporting student ng Aklan State University na nabangga ng traysikel sa Calizo, Balete kahapon.
Kinilala ang biktimang si Harold Lachica, 23 anyos ng Brgy. Arcanghel, Balete.
Batay sa nakuhang impormasyon ng Radyo Todo, nag-eextra sa pagbibiyahe ng motor ang biktima na isang graduating student.
Nabatid na may susunduin sana ito sa Feliciano nang aksidenteng mabangga ng isang traysikel na nagtangkang mag-overtake at bumalik sa puwesto.
Tumilapon si Lachica sa motor at nagtamo ng pinsala sa ulo, mukha at iba pang bahagi ng katawan, bali din ang kaliwang kamay ng biktima na nagpapagaling ngayon sa ICU ng ospital.
Continue Reading