Connect with us

Aklan News

SEN. BONG GO, BIBISITA SA AKLAN

Published

on

File Photo/Diadem Paderes/Radyo Todo

Kalibo, Aklan – Bibisitahin muli ni Sen. Christopher “Bong” Go ang probinsya ng Aklan bukas para pasinayaan ang pagbubukas ng Malasakit Center sa Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital (DRSTMH) ala una ng hapon.

Ito ang ika- 67 na Malasakit Center sa buong bansa.

Pagkatapos ng pasinaya, isasagawa din ang pagbibigay ng financial assistance sa ABL sports complex sa mga biktima ng bagyong Ursula sa 13 munisipalidad habang pinoproseso pa ang natirang 4 na munisipalidad sa probinsya.

Ang nasabing financial assistance ay mula sa tanggapan ni Pres. Rodrigo Duterte sa pamamagitan ni Sen. Go. Ang Republic Act No. 11463 o Malasakit Center Act ay naging batas matapos pirmahan ni Pres. Duterte noong Dec. 3, 2019.

Isa rin ito sa kauna unahang senate bill na in-author ni Sen. Go ng 18th congress na pinirmahan ng pangulo.

Nakasaad sa nasabing batas ang paglagay o pagkakaroon ng Malasakit Center sa mga government hospitals.

Ito ay para mas mapadali ang pag proseso ng mga kailangang pinansyal ng mga pasyente dahil iisang lugar Lang ang kanilang pupuntahan dahil sa loob na rin mismo ng Malasakit Center ang tanggapan ng PhilHealth, PCSO at DSWD.

Ito ang “pet project” ng senador dahil mula pa man na special assistant pa lang siya ay isa na ito sa kanyang naging adbokasiya.

Nauna ng bumisita ang senador sa Aklan ng magbigay rin ng tulong sa mga biktima ng sunog s Kalibo Public Market noong nakaraang taon.