Connect with us

Aklan News

SEN. WIN GATCHALIAN, NANGAKONG TUTULUNGAN ANG AKLANON OFW NA MINAMALTRATO NG AMO SA QATAR

Published

on

Nangako si Senator Win Gatchalian na tutulungan niyang makauwi sa Pilipinas ang isang Aklanon OFW sa Doha Qatar na humingi ng tulong sa dahil sa pagmamaltrato ng kanyang amo.

Ipinaabot ng Radyo Todo sa senador ang tungkol dito at ipinasiguro niya na hindi niya pababayaan ang OFW na si Divina Igat ng Usman, Malinao na ngayon ay nasa Qatar.

Umani ng maraming shares ang post sa Facebook si Divina na humihingi ng tulong para ma-rescue mula sa kanyang pinagtatrabahuhan bilang kasambahay matapos siyang saktan ng kanyang amo.

Bukod dito, iniinda na rin kasi ng OFW ang kanyang mga karamdaman gaya ng skin allergy, highblood at iba pa pero hindi siya pinapayagan ng kanyang amo na magpaospital para makabili ng maintenance na gamot.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Divina, sinabi nitong sinubukan na niyang humingi ng tulong sa kanyang recruitment agency pero sinabihan daw siya na wala na silang pakialam sa kanya dahil tapos na ang kanyang 4 na taong kontrata at inutusan siya na tumawag na lang ng pulis.

Napag-alaman ng Radyo Todo na noong January 2018 pa nagsimulang magtrabaho si Divina sa kanyang amo pero kamakailan lang ay sinasaktan na siya nito at nagsimula nang magbago.