Aklan News
SEN. WIN GATCHALIAN, TUTUTUKAN ANG EDUKASYON NG MGA MAG-AARAL NA MAY KAPANSANAN


Tututukan ni Senator Win Gatchalian ang batas para sa mga kabataang nag-aaral na may kapansanan.
Sa panayam ng Radyo Todo sinabi ni Gatchalian na walang batang dapat maiwan sa pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa bansa.
Kaya nagpasa siya ng batas para sa mga batang may espesyal na pangangailangan.
“Dapat walang bata ang dapat maiwanan sa pagbibigay ng magandang edukasyon. Lahat dapat mabigyan, hindi po natin tinitingnan kung ano man ang kanilang posisyon sa buhay, dapat ho eh mabigyan sila ng dekalidad na edukasyon.”
Sa batas na ito, mas mapapalawak ang edukasyon para sa mga mag-aaral na may kapansanan at magpapaigting ng serbisyo na makakatulong sa kanilang pag-aaral.
Magpapatayo rin ng mga Special Education (SPED) Center na may mga doktor at espesyalista na makatutulong sa kanila.
Ang batas na ito aniya ay isinusulong niya para maisakatuparan ang pangarap ng bawat pamilyang Pilipino na makita ang kanilang mga anak na matagumpay sa buhay at kayang mamuhay ng independente.