Aklan News
SENIOR CITIZEN NA NAMATAY SA CARDIAC ARREST , APAT NA MYEMBRO NG PAMILYA NAGPOSITIBO SA COVID-19
Batan Aklan – Apat na myembro ng pamilya ng isang senior citizen ang nag positibo sa CoViD -19 sa Barangay Cabugao, Batan.
Ayon kay OIC Administrator Dan Laurente Batan LGU namatay ang nasabing senior citizen sa isang clinic sa bayan ng Batan noong June 12, 2021.
Dahil sa sinasabing cardiac arrest ang ikinamatay nito dinala ito sa kanilang bahay sa Cabugao para pag lamayan.
Dahil na rin sa sintomas na ipinakita bago ito namatay napag disisyunan na isailalim sa swab test ang ilang myembro ng pamilya.
Lumabas sa resulta na apat ang nag postibo sa CoViD-19.
Matapos malaman na nag positibo ang mga ito agad na ipinalibing ang labi ng nasabing senior citizen habang ang mga nag positibo naman sa nasabing sakit ay naka isolate.
Sa ngayon patuloy ang ginagawang contact tracing sa iba pang close contact ng mga nag positibo.
Sa kabuuan nakalista na ng 99 na kaso ng CoViD-19 ang Batan at 29 pa sa ngayon ang aktibo na naka facility at home quarantine.