Connect with us

Aklan News

Senior citizen, nabaril ng kanyang pinsan dahil sa kalasingan

Published

on

NADAPLISAN ng bala ang isang senior citizen nang magpaputok ng baril ang kanyang pinsan habang sila ay nag-iinuman sa Daja Norte, Banga bandang alas-4:00 ng madaling-araw nitong Lunes, Hunyo 23.

‎Kinilala ang biktima na si Mars Ingalla, 60-anyos at residente ng Daja Norte, samantalang nakilala naman ang kanyang pinsan na si Reynold Rebello, taga-Barangay Daja Sur ng nasabing bayan.

‎Sa inisyal na imbestigasyon ng Banga PNP, nagsimulang mag-inuman ang magpinsan bandang alas-7:00 ng gabi at kalauna’y may pumagitnang diskusyon sa dalawa.

‎Bumunot umano ng kalibre 45 na baril si Rebello at tinutok sa lupa dahilan kaya nadaplisan ng bala sa kanang binti si Ingalla.

‎Agad na dinala ng Barangay Patrol ng Daja Norte ang biktima sa Aklan Provincial Hospital na ini-refer naman sa Out-Patient Department.

‎Samantala, arestado naman sa isinagawang hot-pursuit operation ng kapulisan si Rebello habang hinahanap ang baril na ginamit sa insidente.| Ulat ni Arvin Rompe