Aklan News
Senior citizen, sumemplang sa makato diversion rd.; sugatan


SUGATAN ang isang senior citizen matapos na sumemplang ang minamaneho nitong motorsiklo sa bahagi ng diversion RD., Calangcang, Makato, bandang alas-3:45 ng hapon ng linggo, Hunyo 1.
ang hindi na pinangalanang indibidwal ay 64-anyos at residente ng Brgy. Mantiguib ng kaparehong bayan ngunit may bahay rin umano ito sa Carugdog, Lezo.
ayon sa MDRRMO-Makato, nagpaayos ng kanyang motorsiklo ang senior citizen at pauwi na sana sa bahay nito sa Carugdog.
pagdating sa lugar, umano’y natanggal ang selenyador ng kanyang motorsiklo dahilan ng aksidente.
nagtamo ng mga galos at gasgas sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima.
isinugod naman sa isang pribadong hospital sa bayan ng kalibo ang motoristang senior citizen para sa kaukulang medikal na atensiyon.| ulat ni arvin rompe