Connect with us

Aklan News

Senior citizen, tinangkang tatagain ang kanyang bayaw

Published

on

Tinangkang tagain ng isang 75-anyos na lalaki ang kaniyang bayaw sa bahagi ng Old Buswang, Kalibo nitong umaga.
‎Sa inisyal na impormasyon, ang naging dahilan ng pagsugod nito sa kaniyang bayaw ay dahil umano sa away sa lupa.
‎Armado pa ito ng kutsilyo at gutok, na napigilan naman ng kaniyang bayaw.
‎Sa ngayon ay hawak na ito ng mga kapulisan habang patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng Kalibo PNP kaugnay rito. l Ulat ni Arvin Rompe