Connect with us

Aklan News

Show cause order, ibinibigay sa mga sangkot sa aksidente na hindi naaktuhan ng LTO

Published

on

NILINAW ng Land Transportation Office (LTO) Aklan na ang binibigyan lamang nila ng show cause order ay ang mga sangkot sa aksidente na hindi nila naaktuhan.
Ito ay dahil ayon kay LTO Aklan chief Engr. Marlon Velez, kapag naaktuhan nila ay pwede na agad nilang bigyan o isyuhan ang mga motorista ng ticket.
Ani Velez, ang showcause order ay para bigyan ng pagkakataon ang mga motorista na sangkot o nasangkot sa aksidente na magpaliwanag kung bakit hindi dapat i-revoke o i-suspend ang kanilang mga lisensiya.
Maliban dito, isa rin ito sa kanilang paraan upang ipaalam sa mga motorist ana hindi sila dapat maging ‘reckless’ sa nga kalsada.
“Ako, sa probinsiya sang Aklan, seryoso ako nga ma-curve down naton or kung indi man naton madula, mabuhinan ang mga road accidents sa amo sini nga mga pamaagi,” dagdag pa ni Velez.
Saad pa nito, “Raya ro nakikita [ko] nga solusyon nga ro mga drivers, not only in Aklan kundi pati ro naga-agi sa Aklan nga dapat magdahan [ag mag-observe] sa traffic laws.
Ito ay dahil pinoprotektahan din aniya ng LTO ang kaligtasan ng mga mamamayan sa Aklan.
Binigyan-diin ng opisyal na ngayon pa lamang nila ginawa ang pag-iisyu ng showcause order dahil sa sunod-sunod na mga aksidente na nangyayari sa lalawigan.