Aklan News
Siklista na tumawid, nabangga ng isang tricycle


Nabangga ng isang tricycle ang tumatawid na siklista sa may Sto. Niño Village Bliss Site, Kalibo nitong umaga, Abril 15.
Ang ang siklista ay menor-de-edad (na hindi na pinangalanan) residente ng Bliss Site, Kalibo at ang tricycle naman ay minamaneho ng 52-anyos na lalaki, residente ng Bakhaw Sur, Kalibo.
Batay sa Kalibo PNP, galing ang tricycle sa bahagi ng Kalibo Public Market at binabaybay ang Bliss Site habang mula naman sa Veterans Street ang siklista.
Ngunit pagdating sa crossing ay bigla lamang tumawid ang siklista at aksidente itong nabangga ng nasabing tricycle.
Nagtamo ng sugat sa ibat-ibang parte ng katawan ang siklista na agad namang nirespondehan ng BFP Kalibo at dinala sa Provincial Hospital. l Ulat ni Jisrel Nervar
Continue Reading