Aklan News
SIMEX ISINAGAWA SA BAYAN NG PANAY
PANAY, Capiz – Nagsagawa ng simulation drill (SIMEX) ang mga kapulisan dito sa bayan ng Panay kaninang umaga.
Ang simulation drill ay binubuo ng paggaya ng mga sakuna tulad ng vehicular incident, sunog, at pagkalunod sa dagat.
Ang simex ay sinalihan ng mga kapulisan ng Panay Municipal Police Station, Capiz Provincial Police Office, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard at mga opisyal at kawani ng gobyerno dito sa bayan.
Layunin ng drill na ito ang pagiging handa sa kahit anumang sakunang magaganap at malaman kung papanu tutugunan ang mga biktima nito.
Bago pa isinagawa ang nasabing simex sa pamumuno ng hepe ng Panay Municipal Police Station na si Police Captain Balmes ay ipinaalam muna sa mga mamamayan dito sa pamamagitan ng pagsa-ere nito sa programang ‘Todo Komentaryo’ ng Radyo Todo Capiz 97.7 FM ang mga gagawing aktibidad upang hindi ang mga ito magugulat o matatakot at kakabahan at isiping totoong pangyayari ang kanilang nasasaksihan.