Connect with us

Aklan News

SIMULA NG LOCAL CAMPAIGN PERIOD, NAGING MATIWASAY – COMELEC-AKLAN SPOX

Published

on

MATIWASAY ang pagsisimula ng kampanya para sa mga lokal na kandidato sa lalawigan ng Aklan.

Ito ang pahayag ni Commission on Elections (Comelec) Aklan spokesperson Crispin Raymund “Dodoy” Gerardo sa panayam ng Radyo Todo.

Aniya ito ay dahil sa mahigpit na security measures na inilatag na Philippine National Police (PNP) sa Aklan sa pagsisimula ng campaign period.

Saad pa ni Gerardo na malaki ang kanilang pasasalamat sa hanay ng PNP dahil sa commitment nitong ibinibigay upang masiguro ang pagkakaroon ng ligtas at matiwasay na halalan sa Mayo a-9.

Samantala, mas pinahaba na sa ngayon ang voting hours kung saan magsisimula ito alas-6:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi.

Mahigpit naman ang bilin ni Gerardo sa mga botante na huwag kalimutan ang ipinapatupad na minimum health standard lalo na ang pagsusuot ng facemask at physical distancing.

Mas mabuti rin aniya na dapat alam na ng bawat botante ang kanilang polling precints gayundin na may listahan na dapat sila sa kanilang mga napupusuang kandidato na nais iluklok sa pwesto.

Sa pangkalahatan ang lalawigan ng Aklan ay mayroon kabuuang 409K registered voters na maaaring makapagboto sa darating na 2022 Local and National elections.