Connect with us

Aklan News

SINUSPENDE NA NG PAL ANG DIRECT FLIGHTS MULA CHINA PATUNGONG KALIBO

Published

on

Kalibo, Aklan – PANSAMANTALA munang ihihinto ng Philippine Airlines ang chartered direct flights nito sa China patungong Kalibo vice-versa kasunod ng novel coronavirus.

Ito ay dahil bumagsak na rin ang demand mula sa mga traveler at charterer na nagmumula sa China patungong Boracay dahil sa problema sa NCoV sa nasabing bansa.

Ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna, mula sa susunod na linggo ay wala na silang eroplano na bibiyaheng Kalibo International Airport patungo sa Nanjing, Hangzhou at Shanghai.

Mula noong Jan. 27, wala ng inbound flights sa Kalibo ang PAL mula China pero ang mga Chinese na nasa Aklan na lang ang kanilang hinahatid pabalik sa China.

Ang pinakahuli nilang outbound flight sa Kalibo ay 5:10 p.m. kanina patungong Hangzhou.

Kaya sa susunod na linggo ay wala ng flights papasok at paalis sa Kalibo patungong China.

Ang nga pasaherong may ticket sa petsang Jan. 24 to Feb. 29, 2020 ay maaring magrebook sa ibang petsa hanggang June 2020.

Tatanggapin din nila ang mga gustong magparefund o reroute kung saan wala ng babayarang service fees.