Connect with us

Aklan News

SK KAGAWAD NA HULI SA DRUG-BUY BUST OPS, DATI NANG NAGBEBENTA NG MARIJUANA – PDEU AKLAN

Published

on

Photo Courtesy: Jan Allen Ascano

MATAGAL nang mino-monitor ng Aklan Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ang SK Kagawad na huli sa drug buybust operation nitong Mayo 1 sa Mabilo, Kalibo dahil nagtutulak din ito noon ng marijuana.

Sa panayam ng Radyop Todo kay P/Lt. Col. Frency Andrade hepe ng PDEU-Aklan, nasa listahan ng mga under monitoring ang suspek na si Renz Lloyd Rasgo, 24, residente ng Brgy. Dongon West Numancia dahil na lumutang ang pangalan nito sa mga nauna na nilang nahuling pusher at user na naging katransaksyon ni Rasgo.

Aniya, bigla lamang itong tumigil at nawala matapos makatunog na sinusubaybayan siya ng mga kapulisan.

Saad pa ni Andrade na may dalawang taon na nilang sinusubaybayan si Rasgo at nagbebenta ng illegal na droga sa halos buong lalawigan ng Aklan.

Malapit na din aniyang ituring bigtime pusher ang suspek dahil sa mga illegal na aktibidades nito may halos dalawang taon na ang nakakaraan.

Dagdag pa ni P/Lt. Col. Andrade na ang mga nauna na nilang nahuli sa kanilang operasyon ay mga tinuruan lamang ni Rasgo na magbenta.

Natiklo si Rasgo ng mga otoridad matapos may magsumbong na isang magulang sa mga kapulisan na ang kanyang anak ay tinuturuang magbenta ng iligal na droga ng suspek.

Si Rasgo ay nakuhaan isang sachet ng hinihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P15,000.

Nakuha rin sa kanyang posisyon ang isang cellphone at limang mga IDs.

Dahil dito, si Rasgo ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.