Connect with us

Aklan News

Solar energy farm target itayo ng mga Taiwanese investors sa Aklan

Published

on

INIHAYAG ni Gov. Joen Miraflores na target ng Taiwanese investors na mamuhunan sa lalawigan ng Aklan.

Aniya, isa sa mga top priority ng mga ito ay ang solar energy.

Tatlong beses na ayon sa gobernador na nagtungo sa lalawigan ang mga investors mula sa Taiwan upang isapinal ang pagset-up nila ng solar farms sa lalawigan.

Nakita umano nila ng malaking potensiyal ang Aklan pagdating sa solar energy.

Malaking bagay naman ito ayon kay Miraflores dahil sakaling maging stable na ang suplay ng kuryente sa lalawigan, mas maraming investors na aniya ang papasok at mamumuhunan sa Aklan.

“Once nga ma-stabilize naton ro aton nga power hay mas abo gid-a nga ga-interest nga industriya, mga investors nga mag-adto iya,”pahayag ni Gov. Miraflores sa panayan ng Radyo Todo.