Aklan News
Solusyon sa pagdami ng kabataan na gumagamit ng vape, pag-aaralan ng SB Kalibo
Pag-aaralan Sangguniang Bayan ng Kalibo kung ano ang hakbang na maaaring gawin sa dumaraming kabataan na gumagamit ng mapanganib na vape.
Ayon kay Committee Chairman on Health, SB member Ketchie Luces, karamihan sa mga kabataan ngayon na edad 18 anyos pababa ay gumagamit na ng vape.
Sa kabila raw kasi ng batas na nagbabawal ng pagbebenta nito sa mga menor de edad ay nakakabili pa rin ang mga ito dahil sa mga kaibigan na nasa tamang edad na pinakikisuyuan nilang bumili sa mga vape shop.
Sinabi ni Luces na magpapatawag siya ng committee meeting sa Task Force Against Smoking sa susunod na linggo para masusing pag-aralan kung ano ang dapat gawin kaugnay dito.
Umaasa rin ito na maiimplementa ang pagtalaga ng mga smoking areas sa bayan ng Kalibo gaya ng sa ibang mga lugar sa bansa.
Ang vape ay walang pinagkaiba sa sigarilyo dahil ito ay nagdudulot rin ng nakamamatay na sakit, mayroon itong nicotine, propylene glycol, carbonyls at carbon monoxide na nagiging dahilan ng lung cancer.
Nitong Abril 2024 lang, naka-record ang DOH ng isang namatay na menor de edad matapos tamaan ng sakit na E-cigarette Vaping Associated Lung Injury (EVALI) dulot ng paggamit ng vape sa loob ng 2 taon. MAS