Connect with us

Aklan News

SP AKLAN MAGSASAGAWA NG INQUIRY HINGGIL SA DUMARAMING BICYCLE ENTHUSIAST

Published

on

Photo Courtesy| Petix Aklan

Nakatakdang magsagawa ng legislative inquiry ang Sangguniang Panlalawigan ng Aklan upang pag-usapan ang problema sa dumaraming bicycle enthusiast sa probinsiya.

Sa pahayag ni board member Nemesio Neron, chairman ng Committee on Transportation and Communication at Peace and Order and Public Safety ng SP Aklan, ipapatawag nila ang mga Local Government Units (LGUs), stakeholders, mga bicycle enthusiast at mga asosasyon upang pag-usapan ang mga problemang possible pang mangyari sa hinaharap.

Positibo si Neron na kaagad na masosolusyunan ang naturang usapin dahil para sa kanya ay isa lamang itong pagsubok.

Aniya, dumami ang mga nahilig sa pagbibisikleta dahil sa pandemya na patuloy nating nararanasan hanggang sa ngayon.

Dagdag pa nito, maliban sa pandemya dulot ng COVID -19, umusbong ang maraming bicycle enthusiast dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina sa bansa.

Sinabi pa ni Neron na kailangan lamang ma-regulate ang mga ito at mapangaralan na kailangan din ng mga naturang bikers ang limitasyon sa kanilang mga sarili upang maiwasan ang mga aksidente.

Kaugnay nito, ipinahayag ni Neron na posibleng i-revisit nila ang provincial road safety plan dahil hindi saklaw nito ang tungkol sa pagbibisikleta.

Hindi rin aniya nila inaasahan na ganito kabilis ang pagdami ng mga bicycle enthusiast sa buong lalawigan ng Aklan.