Aklan News
SP Neron, di kumbinsido na drug cleared na ang Malay dahil sa Boracay
Hindi kumbinsido si SP member Nemesio Neron sa 100% drug cleared status ng Malay.
Sa panayam ng Radyo Todo, inihayag ng board member na malabo ito lalo na at ang Boracay ay nasa Malay. Posible umanong maging drug cleared na ang ibang lugar pero hindi sa Boracay.
“Sa akon nga pagpati, medyo malabo giato ron because of Boracay. Indi ako magpati karon, medyo malabo ron kung para kakon… Posibleng sa ibang lugar don pwede, in most of the barangays posibleng drug cleared, pero Boracay medyo malabo eh,” saad ni Neron.
Hiniling pa nito sa mga awtoridad na maging matapat sa pag-rereport.
“Ro akon tang hinyo karon hay let us be honest always in reporting. Agud makapreparar ro mga pumueoyo, hay kung maghambae kang drug cleared abi ngaron ag may una pang naga eksister hay ginabola eang nimo karon ro mga pamueoyo,” wika pa nito.
Aniya pa, “Dapat karon hay in every reports that we are making or submitting to the people hay we must be honest enough. Mas maayad-ayad kung we are always honest in dealing to everything particularly in the performance of our function as public servant.”
Kung matatandaan, inihayag ni Police Lt. Col. Don Dicksie De Dios, chief of police ng Malay Municipal Police Station sa kanyang Tour of Duty Report sa SB Malay na nakamit na ng munisipalidad ng Malay ang 100% drug cleared status.