Aklan News
SPECIAL ORDINANCE NO.018 SERIES OF 2022 NG BALETE, LABAG SA BATAS – SP MEMBER SODUSTA
Discriminatory at labag sa batas ang Balete Special Ordinance No. 018 Series of 2022 ayon kay Aklan Sangguniang Panlalawigan member Immanuel Sodusta.
Kasunod ito ng rekomendasyon ng Committe on Laws na pinamumunuan ni SP Member Esel Flores kung saan kasapi din ng komite si SP Sodusta na aprubahan ito ng plenaryo.
Nakasaad sa nasabing ordinansa na kinakailangan sa lahat ng indibidwal na magpakita muna ng vaccination card o negative RT-PCR test result bago payagang makapasok sa lahat ng pasilidad ng lokal na pamahalaan ng Balete.
Subalit ayon sa dissenting opinion ni SP Sodusta, disriminatory, labag sa batas at karapatang pantao ang nasabing ordinansa dahil hindi dapat ino-obliga ang publiko na magpakita ng nasabing mga dokumento bago pahintulutan na makapasok sa mga pasilidad ng gobyerno.
Naniniwala naman ang komite at karamihan ng sangguniang panlalawigan member na walang nilabag na batas ang lokal na pamahalaan ng Balete sa pagpasa ng nasabing ordinansa.
Samantala napag-desisyunan ng acting Presiding Officer na si SP Member Jose Miguel Miraflores na hatiin na lamang ang Sangguniang Panlalawigan at sa Botong 7-1-0 nanaig ang mayoriya pabor sa Balete Special Ordinance No. 018 Series of 2022.