Connect with us

Aklan News

SSS-Aklan, kakasuhan ang mga employer na hindi nagbabayad ng contributions para sa kanilang mga empleyado

Published

on

HINDI magdadalawang isip ang legal department ng SSS na kasuhan ang mga employer na hindi nagbabayad ng contributions para sa kanilang mga empleyado.

Sa panayam ng Radyo Todo kay SSS-Aklan Branch Head Rene Moises, ito ay kasunod ng isinagawa nilang RACE activity sa lalawigan.

Aniya ang RACE o Run Against Contributions Evader ay programa ng SSS kung saan nagkaroon sila ng pre-selection ng mga employer na hindi nagbabayad ng contributions ng kanilang nga empleyado at biglaan itong binisita.

“Ang aton nga activity, ginatawag namon nga RACE o Run Against Contributions Evader. Amu na nga programa, nagpre-select kami… nagselect kita sang anum ka employer nga ginbisitahan tungod wala sila nakabayad sang ila nga contributions para sa ilang mga empleyado,” ani Gonzales.

Saad ni Gonzales, pinaalalahanan nila ang mga employer na magbayad at iminungkahing maaari nilang ma-avail ang installmemt plan ng SSS.

Ito ay isang program kung saan binibigyang pagkakataon ang mga employer na makapagbayad para sa kanilang delinquency.

Dagdag pa nito, hindi nila ito kailangang bayaran ng isang bagsakan lamang o one-time full payment, kundi maaari nilang bayaran sa mas mahabang panahon depende sa halaga ng babayaran.

“So nag-remind kita sa ila nga magbayad kag i-avail ang aton installment plan. May ara kita nga programa nga pwede sila maka-installment, depending on the amount nga pwede nila mapalawig-lawig nga mabayran ang ila mga delinquency nga indi kinahanglan nga one-time full payment,” pahayag nito.

Kaugnay nito, binigyan ng SSS ng show cause order ang mga employer kung saan sa loob ng 15-araw ay kailangan nilang makipag-ugnayan sa opisina ng SSS upang makapag-apply sa nasabing programa.

Kapag bigong magawa ito ng mga employer sa loob ng 15 araw, posibleng makasuhan sila o bigyan ng kaukulang aksyon.

Giit pa ni Gonzales, nakasaad sa batas na obligasyon ng mga employer na magbayad ng contributions para sa kanilang mga empleyado.

“Ginatagaan namon sila sang show cause order within 15 days, kung indi sila maka-communicate diri sa amon kag magcoordinate para mag-apply sang ina nga programa or magbayad, wala kami sing mahimo kundi pasakaan gid sila sang kaso or may action gid nga himuon si SSS para mapatuman ang nakasaad sa aton nga layi nga magbayad ang employer sang contribution para sa ila empleyado.”