Aklan News
SSS AKLAN NANAWAGAN SA KANILANG MGA MIYEMBRO NA HUMABOL NA SA KANILANG CONDONATION PROGRAM
NANAWAGAN sa kanilang mga miyembro ang Social Security System (SSS) Aklan na kung maaari ay i-avail ang kanilang condonation program.
Sa panayam ng Radyo Todo kay SSS-Aklan branch head Rene Moises Gonzales, sinabi nito na magtatapos na ang nasabing programa sa Pebrero-14.
Aniya, isang magandang pagkakataon na ito para sa mga miyembro na hindi pa nakapagbayad ng balanse sa kanilang mga loans.
Dagdag pa nito na hindi na nila kailangang pumila dahil online lamang ang aplikasyon at maaaring mag-submit ng application 24/7.
Dapat ay rehistrado ka sa website ng SSS upang maka-access sa iyong account.
Saad pa ni Gonzales, “gintukod gid ini sya, ginhatag ni SSS para mapahagan-hagan ang kabudlayon sang mga miyembro sang SSS labi na gid ang nadulaan sang ubra ukon na-utod ang ila employment during the time sang pandemya.”
Ang tawag umano dito ay pandemic relief and restructuring program.
Sa nasabing condonation program ay puwede sa kahit sinong miyembro na hindi pa nakapagbayad ng kanilang utang kahit wala pang pandemya.
Sa pamamagitan nito, hindi na kailangang bayaran ng SSS member ang penalty dahil tanging ang principal amount at interest nito lamang ang bayaran.