Aklan News
Staff ng isang hotel sa Boracay, arestado sa buy-bust operation


ARESTADO ang isang lalaki matapos na mabilhan ng iligal na droga sa isinagawang Drug Buy-Bust operation ng Malay PNP sa Sitio Hagdan, Barangay Yapak sa isla ng Boracay nitong Martes ng gabi.
Kinilala ang suspek na si Aries Batallones na residente ng Lezo, Aklan ngunit pansamantalang naninirahan sa isla at nagtatrabaho sa isang hotel.
Nabilhan si Batallones ng 1 sachet ng hinihinalang shabu kapalit ng P2,100 na Buy-Bust Money.
Narekober din sa pagbody search ang isang pouch na naglalaman ng dagdag na 4 na sachet at mayroon din na mga maliliit na butil pa ng shabu na nakakalat sa papel at iba pang mga drug paraphernalia.
Mahaharap si Batallones sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Continue Reading