Aklan News
STAFF NI SEN. BONG GO, MISMONG MAMAMAHAGI NG AYUDA PARA SA TODA – SB GUZMAN
Kinumpirma ni Sangguniang Bayan member Matt Aaron Guzman na mismong mga tauhan ni Sen. Bong Go ang mamamahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) para sa mga rehistradong tricycle driver at operator sa bayan ng Kalibo.
Sa panayam ng Radyo Todo kay SB Guzman, nilinaw nito na wala sa kanya o wala sa bayan ng Kalibo ang pondo para sa ayudang ipamamahagi kundi hawak umano ito ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 6.
“… so gina-explain ko nga ro government fund indi ta ron puwede i-direct itao kakon, contrary sa mga ginahinambae nanda nga iya kakon do kwarta ag ako ro indi magtao”, paglilinaw ni Guzman.
Ang mga ito aniya ang mamamahala sa pagbigay ng nasabing ayuda para sa mga Toda sa Kalibo at naantala lamang dahil sa ilang mga aberya sa Regional Office.
Magugunitang nakatakda sana itong ipamahagi noong Setyembre 20 ngunit ayon sa regional office ay na-lockdown sila kaya hindi ito natuloy.
“Dapat gid man ro andang schedule karon hay 20, galing hambae nanda from region, naglockdown sanda ito ag duyon man ginhambae sa other municipalities iya sa Aklan”, pahayag ni Guzman.
Hindi lamang umano ang bayan ng Kalibo ay may ganitong ayuda mula kay Sen. Go kundi mayroon din ang ibang mga bayan sa probinsiya ng Aklan.
“…bukon eang man abi it iya eang sa Kalibo, I don’t know kung bilog gid nga Pilipinas pero bilog nga probinsiya naton may kay Sen. Bong Go man nga ginapanao kada municipality”, saad ng konsehal.
Binigyan-diin nito na siya lamang ang naging tulay at nag-facilitate bilang chairman ng komitiba sa transportasyon upang mabigyan ng ayuda ang mga Todo sa bayan ng Kalibo.