Aklan News
STANDARD PROTOCOL: AKLAN, WALANG WUHAN CORONAVIRUS AS OF JANUARY 28
Kalibo, Aklan – PINAWI ni Aklan Provincial Health Officer Cornelio Cuachon, Jr ang pangamba ng mga mamayan sa paglaganap ng Novel Coronavirus.
Ito ay matapos na may 3 batang chinese nationals na nakaconfine ngayon sa Provincial Hospital at nakita ang mga medical personnel na nakasuot ng Personal Protection Equipment o PPE.
Ayon kay Dr. Cuachon, wala ng lagnat ang nasabing mga pasyente kung saan under observation na lang ang mga ito sa isolation rooms ng hospital at maari nang nakalabas ano mang oras.
Dinagdag pa ni Cuachon na malayang magtungo sa Boracay ang nga ito at walang force repatriation na gagawin sa kanila kapag sila ay nakalabas na sa hospital.
Ang isang bata na naconfine noong nakaraang huwebes ay nakunan na ng specimen samples at napadala na sa Regional Epidemiology and Surveillance Unit at ang 2 bata naman na naconfine noong linggo ay nakatakda na rin ipadala ang kanilang specimen samples ngayong araw para sa examinations ng Research Institute for Tropical Medicines ng Department of Health.
Sa ngayon ay wala pang examination results kaya nangangahulugan na wala pang kumpirmadong kaso ng Novel Coronavirus sa Aklan.
Samantala, nilinaw din ni Dr. Cuachon na standard operating procedure at protocol ang pagsusuot ng PPE ng mga personnel na nagkakaroon ng direct contact sa mga pasyente sinususpetsahan na may nakakahawang sakit.
Hindi diumano ito nangangahulugan na may outbreak o positibo na sa virus ang hinahawakan nilang pasyente.
Kagabi ay nakalabas na sa Aklan sakay ng eroplano at bumalik na sa Wuhan City ang last batch ng halos 500 na mga Chinese nationals na nagbakasyon sa Boracay bago pa man nagkaroon ng suspension ng flights noong January 23 mula sa nasabing lugar.
Ang NCov ay pinaniniwalaang nagmula sa Wuhan City, China kung saan marami na ang namamatay.
Muling pinaalala ng PHO official na maging malinis sa katawan at magtakip ng bunganga kapag umuubo o bumabahing at gumamit ng face mask para maiwasan ang pagkahawa ng ano mang virus at kung malala ay magpakonsulta agad sa doktor.