Connect with us

Aklan News

STEWARDESS MULA CHINA, NAGPA CHECK-UP MATAPOS MAKARAMDAM NG SINTOMAS NG CORONAVIRUS

Published

on

Kalibo, Aklan – Kusang-loob na nagpa check-up sa isang pribadong doktor ang isang 24-anyos na flight attendant matapos na makaramdam ng mga sintomas ng corona virus.

Kinumpirma ni Dr. Cornelo Cuachon ng Aklan Provincial Health Office na may history siya ng pag-ubo at galing siya ng Wuhan City, kung saan unang nagmula ang virus.

“May history siya ng coughing and galing siya ng Wuhan City, pero confined lang naman siya sa eroplano. Hindi naman siya bumaba, kaya na admit siya and na discharge din siya kanina,” ani Cuachon.

Nagpadala na umano ang kagawaran ng samples sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ng the Department of Health (DOH) Region para malaman ung positibo ba ito new corona virus.

Marami nang paliparan sa Asia-Pacific ang nagpatupad ng mahigpit na security measures lalo na sa mga dayuhan mula China upang mapigilan ang pagkalat ng misteryosong sakit.

Sa ngayon ay wala pang rekomendasyon mula sa WHO at DOH ukol sa travel ban ng mga turista mula sa apektadong bansa.