Connect with us

Aklan News

Storage room ng isang hotel sa Boracay, nasunog; halos P100K iniwang danyos

Published

on

Photos: Shaine Sorrosa

Nilamon ng apoy ang stock room ng isang hotel sa Brgy. Balabag sa isla ng Boracay nitong Martes ng gabi.

Sa panayam ng Radyo Todo kay FO1 Ronie Vic Zaquita, Fire Arson Investigator ng Malay- Boracay Fire Sub Station, pasado alas-6 ng gabi nang maggsimula ang apoy.

Aniya pa, mga plywood, pintura at iba pang electrical ng gamit ang laman ng nasabing stock room.

Kaagad naman silang nagsagawa ng firefighting kung saan pasado alas-8 na ng gabi nang tuluyang naapula ang apoy.

Masuwerte nama at walang may naitalang nasugatan sa insidente.

Samantala tinatayang aabot sa P945,000 ang halaga ng iniwang danyos sa nangyaring sunog.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa pa rin ang imbestigasyon ng BFP Malay- Boracay Fire-Substation sa posibleng pianagmulan ng apoy.