Connect with us

Aklan News

Storage room ng mosque o simbahan ng muslim sa Kalibo nasunog, halaga ng pinsala aabot sa P135k

Published

on

PHOTO: BFP kalibo

Umabot sa P135,000 ang naitalang halaga ng pinsala  sa nangyaring sunog sa storage room ng isang mosque o simbahan ng mga muslim sa bahagi ng Mabini St. Pob. Kalibo pasado alas-12:00 ng tanghali nitong Linggo.

Sinasabing nakita nalang umano ng mga residente sa lugar na umuusok na ang naturang simbahan.

Agad itong inireport sa Kalibo BFP at pinagtulungan rin ng mga residente na humakot ng tubig para maapula ang apoy.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Kalibo BFP, napag-alaman na doon nakaimbak ang mga gamit na itinitinda ng mga muslim tulad ng mga libro, sunglasses at iba pa.

Wala naman umanong mga nakasaksak o kahit anong appliances sa naturang storage room kaya’t hanggang ngayon ay inaalam parin ng mga otoridad ang pinagmulan ng apoy.

Samantala, wala namang nasugatan sa nangyaring insidente.