Aklan News
Street lights at signages sa Kalibo-Lezo Bridge isinusulong para iwas sa aksidente
Kalibo, Aklan – Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang dalawang resolusyon na humihiling sa Department of Public Works and Highway (DPWH) na lagyan ng street lights at road safety measures ang Kalibo-Lezo Bridge.
Lumalabas kasi sa legislative inquiry ng Committee on Energy, Public Utilities, Transportation and Communications at Committee on Public Works, Housing, Land Use, and Urban Relocation, na posibleng maging accident-prone ang bahaging ito ng Aklan Circumferential Road dahil sa kawalan ng street lights.
Maliban dito ay naobserbahan na wala ring mga safety signages, lanes lines, at road safety measures sa tulay na makakatulong sa pagsiguro ng kaligtasan ng mga biyahero.
Nabatid na hindi pa tapos ang pagsasagawa ng Aklan Circumferential Road ngunit binuksan ito sa hiling ni Aklan Governor Florencio T. Miraflores para mabawasan ang trapiko at mas mapabilis ang transportasyon ng mga produkto mula sa mga malalayong barangay.
Tinatayang may 6, 000 na mga motorista, residente at turista ang makakabenepisyo sa nasabing circumferential road ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar.
Ang nasabing resolusyon ay iniakda ni Engr. Jose Miguel M. Miraflores at Sp member Nemesio P. Neron.