Connect with us

Aklan News

Streetlights sa Boracay, pagaganahin bago matapos ang 2022

Published

on

Bago matapos ang taong ito, sisikapin umano ng Aklan provincial government na mapagana ang mga streetlights sa Boracay Island.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Provincial Engineering Officer Engr. Edelzon Magalit, sinabi nito na inutusan na sila ni Aklan Governor Jose Enrique Miraflores na pailawin ang mga streetlights sa circumferential road para mas gumanda ang experience ng mga turistang nagbabakasyon sa isla.

Ayon kay Engr. Magalit, batay sa pag-inspeksyon nila ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga road sections, may mga linya ng kuryente ng streetlights na ninakaw noong kasagsagan ng pandemic habang ang ilang bombilya naman ay hindi na gumagana.

Binaggit din niya na hanggang ngayon ay wala pa silang hinahawakang dokumento na ito ang pormal ng naturn over sa kanila ng DPWH matapos ang seremonya noong Hunyo.

Pero sa kabila nito ay aayusin na nila ang mga problema nito lalo pa at ipinag-utos na ng gobernador na pailawin ito bago matapos ang 2022.

Siniguro rin ni Magalit na mayroon pa silang natitirang pondo na magagamit sa pagsasaayos ng mga naturang streetlights.