Connect with us

Aklan News

Sundalo at CAFGU, tinamaan ng kidlat habang nagpapahinga sa loob ng barracks

Published

on

Isinugod sa ospital ang isang sundalo at isang CAFGU matapos tamaan ng kidlat kagabi sa Manika Viewpoint sa Libacao, Aklan.

Kinilala ang mga biktimang si Sgt Bryan Sabitero Nacion, 35 anyos ng Barotac Nuevo, Iloilo at Gerom Idala, 42 anyos na CAFGU AUXILLARY na taga Brgy. Manika, Libacao, Aklan.

Ayon sa kanilang katrabaho at bantay sa ospital, nagpapahinga ang mga biktima sa loob ng kanilang barracks nang bigla na lang silang tinamaan ng kidlat habang umuulan.

Nirespondihan ang mga ito ng taga 2nd at 3rd Manuever Platoon 1st Aklan PMFC at dinala sa pinakamalapit na pagamutan.

Kalaunan ay inilipat naman ang mga ito sa Aklan Provincial Hospital. / MAS