Connect with us

Aklan News

SUPLAY NG BAKUNA SA BORACAY ISLAND, HINDI SAPAT

Published

on

Hindi sapat ang suplay ng bakuna sa ngayon para makamit ang herd immunity sa Boracay Island.

Ayon kay Aklan Governor Florencio Miraflores, patuloy na ang vaccination rollout ngayon sa isla kung saan unang nabakunahan ang mga medical frontliners, senior citizens at ang may mga comorbidities gamit ang alokasyon sa LGU Malay.

Target ng pamahalaan na mabakunahan ang 70% porsyento ng 30, 000 general population sa isla para makamit ang heard immunity at makabangon na ang turismo na siyang nagpapasigla sa ekonomiya ng Aklan.

Iginiit nito na dapat may sarili o hiwalay na alokasyon ng bakuna ang Boracay sa Aklan.

Kaya humiling sila sa Department of Health Region VI (DOH6) na irekomenda sa National Vaccination Center na bigyan ng hiwalay na alokasyon ang Boracay at sinuportahan naman nila ito.

Nagsumikap din ang probinsya na bumili ng 100, 000 doses ng COVID-19 sa Novavax Facility.

Sa oras na dumating ang mga biniling bakuna, gagawing prayoridad ang mga taga Boracay para unti-unti nang makabangon ang turismo.