Aklan News
SUPLAY NG MGA ‘OVER-THE-COUNTER’ DRUGS SA AKLAN, UNTI-UNTI NANG BUMABALIK SA NORMAL


Ipinasiguro ng Philippine Pharmacist Association-Aklan Chapter na unti-unti nang bumabalik sa dati ang suplay ng mga ‘over-the-counter’drugs sa lalawigan ng Aklan.
Ayon kay Mellisa Dela Cruz ng Philippine Pharmacist Association-Aklan Chapter, totoong nagkaroon ng shortage ng mga ‘over-the-counter’drugs gaya ng paracetamol at iba pang gamot para sa trangkaso, ubo at sipon sa lalawigan nitong mga nagdaang araw.
Ngunit,ipinasiguro nito na sa ngayon ay may mga dumadating ng suplay mula sa kanilang mga manufacturers.
Aniya, hindi man kadamihan pero sapat na para matustusan ang pangangailangan sa gamot ng mga Aklanon.
Pahayag pa ni Dela Cruz na ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ng shortage sa gamot ay dahil sa nagpanic-buying mga mga tao.
Maaari umanong nabahala ang mga tao dahil sa biglang pagtaas ng kaso ng COVID-19, nagkataon na flu season at nauuso ang sakit na trangkaso.
Dagdag pa nito na hindi inasahan ng mga manufacturers na magkakaroon mg ‘peak demand’ sa nasabing mga gamot.
Dahil sa mataas na demand, hindi nahabol ng mga manufacturer ang pag produce ng mga gamot dahilan na nawalan ng suplay ang mga botika, hindi lamang sa Aklan kundi sa buong bansa.
Ipinasiguro naman nito na mayroon ng mga gamot ngayon sa botika at nagdo-double time na rin umano ang mga manufacturer para matugunan ang nasabing demand.
Paalala naman ng Philippine Pharmacist Association-Aklan Chapter na iwasang magself-medication at mas makabubuti kung magpakonsulta agad sa doktor upang mabigyan ng tamang gamot sa mga sakit na nararamdaman.