Aklan News
Suporta sa pagtayo ng BIDA pinapabilisan ni Gov Miraflores sa SP
PINAPABILISAN na ni Aklan Gov. Florencio Miraflores sa Sangguniang Panlalawigan ang suporta sa House bill 7256 o pagbubuo ng Boracay Island Development Authority (BIDA).
Ito idinaan ni Miraflores sa kanyang sulat na certified as ‘urgent’ para sa mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan noong Agosto 11.
Napabilang sa agenda ng 58th Regular Session ng SP ang sulat ni Miraflores at ni-refer nila ito sa dalawang komitiba.
Dahil dito magpapatawag ng hearing ang Committee on Laws, Rules and Ordinance at Committee on Tourism, Arts and Culture sa pangunguna ni committee chair Esel Flores sa August 27, para pag-usapan ang urgent request ng gobernador.
Imbitado sa committee hearing ang alkalde ng Malay, SK municipal federation president, municipal tourism officer, at mga punong Barangay ng Caticlan, Yapak, Manocmanoc at Balabag.
Kasama rin ang BFI, BCCI, BLTMPC, CBMPTC, Provincial Administrator, Provincial Tourism Officer, PTO, EEDD, DOT Regional Director at representative ni Congressman Carlito Marquez na siyang may akda ng HB 7256.