Aklan News
SUPPLEMENTAL ANNUAL INVESTMENT AT SUPPLEMENTAL LOCAL DEV. INVESTMENT PROGRAM NO.2 FOR CY 2022, NAIS PA-APRUBAHAN NI MAYOR LACHICA SA SB KALIBO
Hinihiling ni Kalibo Mayor Emerson Lachica sa Sangguniang Bayan na magpasa ng Resolusyon para sa Adoption ng Supplemental Annual Investment at Local Development Program for Calendar Year 2022 na nagkakahalaga ng P17.6 milyon upang pondohan ang ibat-ibang programa, proyekto at aktibidad ng lokal na pamahalaan.
Kasunod ito ng inaprubahang Resolution No.2 Series of 2022 ng Kalibo Municipal Development Council-Executive Committee.
Ang nasabing mga programa at proyekto ay ang Rental ng LED Wall para sa promotion at dissemination ng mga PPA’s ng lokal na pamahalaan, pagsasaayos ng mga kalsada at tulay, municipal nursery, traffic lights, historical landmarks, dog pound, slaughterhouse at police outpost.
Kasama din sa mga proyektong ito ang pagbili ng mga IT at heavy equipment, training at seminars, pagsasagawa ng tourism at cultural events, loan repayment at ang pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette ng nagkakahalaga lahat ng P17.6 milyon.
Samantala, nauna nito ay inendorso rin ni Mayor Lachica sa Kalibo Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Cynthia Dela Cruz ang Supplemental Budget No.1 ng General fund proper para sa taong 2022 na nagkakahalaga ng P19.2 milyon.
Manggagaling naman ang nasabing pondo sa savings ng lokal na pamahalaan noong nakalipas na taong 2021.
Continue Reading