Aklan News
SUPPLY NG PARACETAMOL NAGKAKAUBUSAN NA RIN SA ILANG BOTIKA SA AKLAN
Nagkakaubusan na rin ng mga branded na paracetamol at iba pang gamot para sa lagnat, trangkaso, ubo at sipon sa lalawigan ng Aklan.
Ito ay dahil sa pagdami ng demand at pagdagsa ng mga mamimili sa mga botika at drugstore pagkatapos ng holiday season.
Sa katunayan ayon sa isang pharmacist ng Thea’s Pharmacy sa bayan ng Kalibo bago pa ang Pasko ay wala na silang delivery ng nasabing mga gamot.
Aniya, nagulat din sila kung bakit biglang dumami ang mga bumibili ng gamot na paracetamol at iba pang gamot para sa mga flu-like symptoms.
Pati na rin umano ang gamot na tempra para sa mga bata ay wala na ring stocks sa mga botika.
Kaugnay nito, mayroon pa namang mabibiling generic na gamot subalit pinangangambahan rin nila itong maubos.
Maaring nagpanic-buying ang mga tao dahil sa banta ng Omicron variant at muling pagdami ng COVID-19 cases sa probinsiya.
Sa ngayon ay hindi pa nila alam kung kailan muling magkakaroon ng stock ang mga botika sa Aklan.