Connect with us

Aklan News

SUPPLY NG TUBIG NG MADALAG WATER DISTRICT, MAGIGING STABLE NA KAHIT BROWNOUT

Published

on

SUPPLY NG TUBIG NG MADALAG WATER DISTRICT, MAGIGING STABLE NA KAHIT BROWNOUT
Photo Courtesy| Madalag Water District

Sinisimulan na ang kunstruksyon ng bagong water pumping station ng Madalag Water District (MWD) para sa mas maayos na serbisyo sa tubig sa kanilang mga nasasakupan.

Ayon kay MWD General Manager Getulio Zambrona, nag-negative o hindi na mapakinabangan ang isang balon na pinagkukunan nila ng tubig kaya’t naghanap sila ng bagong water source.

Dagdag pa niya, tapos na kahapon ang bidding para sa bagong pumping station ng MWD at generator set na nilaalan nila ng P1.8 milyon na mula sa naipong pondo ng MWD sa loob ng dalawang taon.

Sa tuwing mawawala kasi ang kuryente ay wala ring suplay ng tubig sa lugar dahil wala pang generator set ang MWD.

Ayon kay Zambrona, asahang sa darating na Marso ay mabibigyang solusyon na ang problema sa tubig ng kanilang mga concessionaires.

Kasalukuyang pinoproseso na ng Numancia Water District ang bidding ng bagong pumping station para sa mas maayos na serbisyo ng tubig sa kabuuang 350 concessionaires ng MWD.