Aklan News
Survivor sa baha ikinuwento ang sinapit na trahedya sa Loctuga, Libacao
Kalunos-lunos ang sinapit ng magpamilya sa Brgy. Loctuga, Libacao sa paghagupit ng bagyong Paeng.
Apat na miyembro ng pamilya Baet ang binawian ng buhay dahil sa pagguho ng lupa at biglang pagragasa ng tubig baha noong tanghali ng Huwebes, Oktubre 27.
Kwento ng kaisa-isang survivor na si Jomel Asiong, nagkakape sila ng mag-asawang Mello Baet Katimpo at Lynlyn Cocoy kasama ang magkapatid na Raul at Nelson Baet sa loob ng isang bahay na malapit sa sapa nang mangyari ang trahedya.
Nagkaroon ng malaking landslide na tumama sa bahay na sinabayan ng pagragasa ng baha.
Inanod sila ng malakas na agos ng tubig-baha hanggang sa naghiwa-hiwalay.
Aniya,tianngay siya ng tubig ng halos anim na kilometro ang layo mula sa bahay at maswerteng nakakapit sa isang niyog na dahilan kaya siya ay nakaligtas.
Samantala, natagalan bago nakita ang apat niyang kasamahan na wala nang buhay nang matagpuan.
Naulila ng mag-asawang Lynlyn at Mello Baet ang kanilang 4 na anak na maliit pa lamang.
Marami rin sa mga residente ang nawalan ng tirahan at maging mga alagang hayop sa nasabing barangay. MAS