Aklan News
Suspek na nanloob at tumangay ng P50K cash at laptop sa isang klinika sa Goding Ramos St. di pa rin nakikilala
Hanggang ngayon ay hindi pa rin natutukoy ang suspek na nanloob sa isang klinika sa may Goding Ramos St. Kalibo, nitong Miyerkules, Oktubre 18.
Ayon kasi sa pulisya, walang CCTV ang establisyemento at sira rin ang CCTV ng katapat nitong bahay.
Napag-alaman na nalimas ng kawatan ang higit-kumulang P50,000 na cash at laptop na nagkakahalaga ng P25,000.
Lumalabas din sa imbestigasyon na dumaan ang kawatan sa may bakanteng kwarto na nasa ikalawang palapag.
Pinasok din nito ang iba pang mga kwarto at dumeretso sa unang palapag kung saan halos lahat ng mga kandado ay sinira nito.
Samantala, patuloy parin ang imbestigasyon ng mga kapulisan para mahuli ang salarin.
Continue Reading