Connect with us

Aklan News

SUSPEK PANANAKSAK-PATAY SA OYOTORONG ST. KAGABI, SUMUKO NA

Published

on

Boluntaryong sumuko sa himpilan ng Kalibo PNP station ang suspek sa pananaksak-patay kagabi sa may Oyo Torong St. kalibo kanina pasado alas 10 ng umaga.
Nakilala ang suspek na si John Colas, 25 anyos at residente rin ng nasabing lugar.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Colas, pauwi na umano siya kagabi mga alas 10 mula sa bahay ng kanyang kaibigan matapos makipag-inuman nang makasalubong ang biktimang si Romel Aros ng Brgy. Naasug, Malay na ayon sa kanya ay nakainom din.
Ngunit bigla lang umano siyang sinuntok sa ulo ng biktima sa hindi niya malamang dahilan hanggang sa nagkaroon ng komosyon na nauwi sa pananaksak niya sa biktima.
Agad umano siyang tumakas matapos ang insidente at hindi na niya matandaan kung saan niya itinapon ang patalim na ginamit sa kremin.
Samantala, inihahanda na rin ng mga otoridad ang kasong isasampa laban sa suspek.