Connect with us

Aklan News

Suspek sa nangyaring nakawan sa New Buswang, Kalibo nahuli na

Published

on

NADAKIP ng mga otoridad ang sa nangyaring nakawan sa isang bakeshop sa New Buswang, kalibo nitong Martes.

Napag-alaman na isang menor-de-edad ang lalaking nanloob sa bakery, na residente ng Fatima, New Wahhington

Ayon sa ulat, natukoy ang suspek sa isinagawang backtracking ng mga CCTV kung saan ito dumaan.

Tuluyan itong nadakip sa kanilang bahay sa Fatima, New Washington.

Narekober sa suspek ang 1 unit ng cellphone at nasa P9,000 na natira sa mahigit P20,000 na perang ninakaw nito.

Matatandaang nangyari ang nakawan kaninang madaling araw ng martes, kung saan nilooban nito ang isang bakery.

Siya rin ang tinuturong suspek sa nangyaring nakawan sa isang Condotel at Pribadong eskwelahan sa Kalibo.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Kalibo PNP ang suspek na mahaharap sa ilang beses na kaso ng pagnanakaw.

Continue Reading