Connect with us

Aklan News

Suspek sa nangyaring pambubugbog sa isang lalaki sa Bakhaw Sur, sumuko na

Published

on

SUMUKO sa mga otoridad ang lalaking suspek sa nangyaring pambubugbog sa Bakhaw Sur, Kalibo nitong Sabado.

Kinilala ang suspek na si alyas “Dodong” na residente ng nasabing lugar.

Matatandaang nangyari ang insidente nitong Agosto 24, habang naglalakad ang biktima na kinilalang si Marvin Retos.

Ayon sa ulat, nagtamo ng ilang mga pasa sa mukha at katawan si Retos na agad na dinala sa ospital.

Samantala, ala-1 ngayong hapon sumuko si Dodong sa punong barangay ng Bakhaw Sur bago tuluyang sumuko sa mga otoridad at umamin na siya ang nambugbog sa biktima.

Hinihintay nalang sa ngayon ang desisyon ng pamilya ni Retos kung magsasampa sila ng kaso laban kay Dodong.

Samantala, napag-alaman na hanggang ngayon ay nakaratay parin si Retos sa Intensive Care Unit ng Aklan Provincial Hospital.