Connect with us

Aklan News

Suspek na nanloob sa treasurer’s office ng LGU Buruanga, sumuko sa mga otoridad dahil sa takot at konsensya

Published

on

SUSPEK SA NANLOOB SA TREASURER'S OFFICE NG LGU BURUANGA, SUMUKO SA MGA OTORIDAD DAHIL SA TAKOT AT KONSENSYA

Kinumpirma ni PLt.Rossini Mena, Deputy COP ng Buruanga PNP na sumuko na ang suspek na panloloob sa Treasurer’s Office ng LGU Burunga nitong Huwebes, Enero 2, 2025.

Matatandaang niransak ng hindi na pinangalanang babaeng suspek ang nasabing opisina at tinangay ang nasa mahigit P340,000 na tax collections.

Ayon pa kay PLt. Mena, nagawa umano ng suspek na magnakaw dahil sa problema sa pera.

Lumalabas din na inside job ang nangyari dahil mismong staff din ng nasabing opisina ang suspek.

Sumuko ang suspek nitong araw ng Sabado sa Buruanga PNP station dahil sa konsensya at takot.

Kasabay nito ay ibinalik niya rin ang natitirang perang kanyang ninakaw dahil nagastos na niya ang nasa mahigit P30,000.

Sa ngayon ay sasampahan na ng kasong Robbery ang suspek dahil sa ginawa nitong pagnanakaw.