Connect with us

Aklan News

SUSPEK SA PAGBARIL-PATAY SA NABAS, SUMUKO NA

Published

on

Sumuko kahapon sa Brgy. Kapitan ng Buena Suerte, Nabas ang pangunahing suspek na tumakas matapos barilin-patay ang isang laborer nitong Linggo.

Pinangalanang suspek si Jessie Trusidel, 36 anyos sa pagpaslang sa biktimang si Roland Geronimo nitong Pebrero 7 sa unang nabanggit na lugar.

Batay sa Nabas PNP, boluntaryong sumuko ang suspek kay Brgy. Kapitan Virgillo Casidsid ng Buena Suerte, Nabas dakong alas 12:15 kahapon.

Inamin din ng suspek na siya ang bumaril sa biktima.

Pero hindi na narekober ng mga kapulisan ang baril na ginamit nito sa pamamaslang.