Aklan News
SUSPEK SA PANANAKSAK, ARESTADO NA


Exclusive
Update
SUSPEK SA PANANAKSAK, ARESTADO NA
By: Malbert Dalida
Malinao – Arestado na ang suspek sa pananaksak-patay sa isang nagmomotorsiklong lalaki kagabi sa Tambuan, Malinao.
Nakilala ang suspek na si Rico Berlandino, 18 anyos ng Cabayugan, Malinao at naaresto sa bahay ng kanyang barkada bandang alas 11:00 nitong tanghali.
Bagama’t tumangging magpa unlak sa isang interview, sinabi ng suspek na inaamin naman niya na siya ang sumaksak sa biktimang si Nomer Icawalo.
Sinabi pa nito na nakasabayan nilang nagmomotorsiklo ang biktima, subalit pamurang sinigawan umano sila ng biktima nang paliko na sila papuntang Cabayugan.
Dahil dito, huminto umano sila ganon din ang biktima at binalikan ang nasabing grupo.
Ayon pa sa suspek, bababa pa sana ng motorsiklo ang biktima, subalit inunahan na niya ito ng saksak.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Malinao PNP ang suspek at ang dalawang kasama nito ng mangyari ang kremin para sa karampatang disposisyon.