Aklan News
Suspek sa pananaksak-patay sa mismong kapatid, posibleng maharap sa kasong homicide
Posibleng maharap sa kasong Homicide ang nakatatandang kapatid na suspek sa pananaksak sa kaniyang sariling kapatid sa Calangcang, Makato, Aklan nitong Huwebes.
Sa panayam ng Radyo Todo sa suspek na si Danilo Tambong, kakatapos lang umano nilang mag-inuman ng kaniyang mga kasama ng biglang dumating ang biktimang si Ricardo Tambong na lasing at kung ano-ano ang sinumbat sa kanya.
Dagdag niya, palagi umanong lasing ang kaniyang kapatid at lagi nitong kinukuwestiyon kung bakit nasa kanya lang ang lahat ng ari-arian ng kanilang mga magulang.
Sinakal pa umano ng biktima ang suspek, ngunit nakawala ito at dito na kumuha ng patalim ang suspek at sinaksak ng ilang beses ang biktima na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.
Nakakulong na ngayon ang suspek at handa naman umano itong humarap sa anumang kasong isasampa laban sa kanya.
Humingi rin ito ng tawad sa kanyang pamilya.