Aklan News
Suspek sa panan*ksak sa Tigayon, Kalibo, sumuko na sa mga otoridad


SUMUKO na sa mga otoridad ngayong araw ang suspek sa pananaksak sa Brgy. Tigayon, Kalibo kahapon ng madaling-araw, Mayo 24.
Kinilala ang suspek kay Josel Beltran Salonzo, sa legal na edad at tubong bayan ng Libacao ngunit kasalukuyang nakatira sa Brgy. Mangan, Banga
Bago itinurn-over ang suspek sa Kalibo PNP, unang sumuko si Salonzo sa Libacao MPS kasama ang Barangay Kapitan ng Batobato, Libacao.
Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suspek kaugnay sa nangyari.
Nakakulong na ngayon ang suspek sa lock-up cell ng Kalibo Municipal Police Station at mahaharap sa kasong frustrated murder.
Samantala, kasalukuyan pang nasa Intensive Care Unit ng isang pribadong hospital ang biktimang si alyas “Nognog.”| Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading