Connect with us

Aklan News

DEMOLITION MAGPAPATULOY MATAPOS BIGONG MAKAKUHA NG ORDER FOR INJUNCTION KAHAPON ANG BUILDING OWNERS

Published

on

Tuloy pa rin ang naudlot na tibagan sa mga natitirang istruktura sa Boracay na lumabag sa easement law dahil hindi pinaboran ng lokal na pamahalaan ang hiling nilang isuspende ang demolisyon.

Magugunitang sinimulan ng Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group (BIARMG) nitong Huwebes ang paggiba sa 10 istraktura kabilang ang mga hotel at commercial establishments sa Bulabog Beach matapos mapaso ang 20 araw na Temporary Restraining Order (TRO) na inisyu ng Aklan Regional Trial Court Branch 7.

Sa ginanap na hearing, umapela ng ‘gentleman’s agreement si Atty. Salvador Paolo Panelo Jr. para pansamantalang itigil ang demolisyon habang patuloy pa ang hearing sa isyu ng Writ of Preliminary Injunction subalit tinanggihan ito ni BIARMG General Manager Natividad Bernardino.

Ani Berdandino, “I cannot agree on the proposed gentleman’s agreement because in the first place it’s ungentlemanly not to follow the law.”

Kaugnay nito, nagpasiya ang korte na bigyan ang magkabilang partido ng 5 araw upang magpaliwanag.

Hiniling ni Atty. Panelo na isuspende muna ang demolisyon sa loob ng 5 araw subalit desidido ang Task Force sa implementasyon ng batas.


We have to show the government’s resolve in establishing order in Boracay and we have been fair enough in the enforcement of regulations here. Of the 52 non-compliant in the Bulabog area, there are still 10 who refused to self-demolish the part of their structure that is within the 30-meter easement so it’s no longer our fault if we implement the law,” dagdag pa ni Berdandino.