Aklan News
TAGA ROMBLON NA COVID-19 POSITIVE SA AKLAN PROVINCIAL HOSPITAL, INI-IMBESTIGAHAN DAHIL HINDI NILA ITO PUI
Kalibo, Aklan – INAALAM ngayon ng Aklan Provincial Health Office kung may “miscommunication” sa pagrefer at pag admit ng isang mahigit 60 years old german national na nagpositibo sa Covid 19 habang naka confine sa isolation ward ng Aklan Provincial Hospital.
Ayon sa post kanina ng San Jose Rural Health Unit, dumating ito sa Hambil island noong March 9 mula sa Caticlan kung saan sya lumapag sakay ng eroplano mula sa Metro Manila.
Matapos itong maging Person Under Monitoring ng ilang araw ay naadmit ito sa San Jose District Hospital noong March 22 pero dinisisyunan nilang itransfer sa Aklan para mabantayan ng mabuti at maisailalim diumano ang karagdagang test.
Ayon naman kay Malay Covid Task Force spokesperson Madel Joy Tayco, nakipag ugnayan ang Romblon sa Malay Municipal Hospital para magamit ang ambulansya nito noong nakaraang March 25.
Sinundo ito sa Caticlan at isinakay sa ambulansya patungo sa Provincial Hospital kung saan nakasuot ng Personal Protective Equipment ang driver nito dahil alam nitong PUI ang pasyente.
Ayon naman kay PHO Aklan Head Dr. Cornelio Cuachon, Jr., pagdating sa DRSTMH ay wala diumanong nakuhang impormasyon ang mga taga Provincial Hospital na medical history at kung may travel history sa Manila ang pasyenteng ito.
Dahil dito ay naadmit lang sa isolation ward ng hospital ang pasyente at hindi sa isolation room na para sa mga Covid 19 Person Under Investigation.
Ayon pa kay Dr. Cuachon, dahil dito ay may mga medical frontliners na nagkaroon ng direct contact sa pasyente kung saan walang suot na Personal Protective Equipments ang mga ito.
Kaya laking gulat nila na lumabas ang balita ngayong araw sa lalawigan ng Romblon na may positive na sila at ang tinutukoy ay ang nasabing German national.
Dahil dito ay kaagad itong inilipat sa isolation room para sa Covid 19 patients at posibleng dalhin na rin sa Aklan Training Center.
Pinapagawa na ng incident report ang Provincial Hospital Management may kinalaman dito para mapag usapan ng Provincial Task Force kung ano ang mga dapat gawin.
Isaasahang lalabas ang incident report bukas.
Sa ngayon ay nangangamba ang mga frontliners ng DRSTMH dahil sa pangyayaring ito.