Connect with us

Aklan News

Talipapa sa Boracay, binisitahan ng price monitoring team kasunod ng viral post kaugnay sa mahal na presyo ng seafood

Published

on

PHOTOS: LGU Malay, Jiji and The Giant/Facebook

Binisitahan ng Price Monitoring Team ang mga nagbebenta ng seafood sa Talipapa sa Boracay kasunod ng isang viral video ng magkasintahang turista na nalula sa umano’y mahal na presyo ng seafood.

Ang nasabing viral video ay post ng Jiji and The Giant na may caption na “Having worst experience in Boracay with my foreigner boyfriend” na umani na ng halos kalahating milyong views.

Sa panayam ng Radyo Todo, sinabi ni Mayor Frolibar Bautista na titingnan nila kung talagang may nangyaring pang-iiscam sa mga ito dahil importante umano na mabigyan ito ng aksyon.

Ayon pa sa alkalde, kamakailan lang nag-ikot-ikot din ang price monitoring team para masiguro ang implementasyon ng paglalagay ng price tag sa mga display na paninda maging sa mga souvenir shops at may ilan sa mga ito ang nahuli.

Kaugnay nito, naniniwala ang alkalde na hindi masisira ng naturang viral video ang imahe ng sikat na isla.

Matatandaang, sa kabila ng pag viral ng video ay umani rin ng matinding pambabash sa socmed ang magkasintahan.

Saad pa niya, “Sayod naton nga vlogger imaw hay kita eon mag intindi.”